JULY - BASKETBALL

Ang basketball ay isang multidirectional na laro na tumutulong sa pag-eehersisyo ng kasukasuan at kalanman sa paglipat-lipat ng direksyon. Ang binti, paa, kamay, balikat at ang ulo ay lumilikha ng pagtatrabaho sa patuloy na paggalaw ng buong katawan. Nakakatulong rin na linangin ang sariling kasanayan sa pamamagitan ng pagbubuslo, pagpapatalbog, pagpasa at pagtakbo.
 
    AUGUST - PAGBIBISIKLETA

Ang pagbibisekleta ay maaaring maging isa sa pinakamurang paraan upang palakasin ang ating katawan. Sa pagbibisikleta, tinutunaw  nito ang sobrang taba at  hinuhubog ang kalamnan sa binti, samantala mas nababawasan ang stress sa tuhod at bukong bukong habang nagbibisikleta kumpara sa ibang laro o gawain tulad ng pagtakbo. Ang pagbibisikleta ay nakababawas rin ng panganib sa sakit sa puso at nakatutulong na protektahan sa sakit tulad ng dyabetis at pagtaas ng pressure ng dugo.
 
    SEPTEMBER - BADMINTON

Ang badminton ay isang mabilisang aktibidad na ginagamitan ng buong katawan upang maisagawa ang iba’t-ibang galaw tulad ng pagtalon,  pagsugod, pagbaluktot, pagikot at paguunat. Ito ay laro na nangangailangan ng bilis, lakas at koordinasyon ng mata at kamay, ito rin ay nakakapagpabuti ng balanse at tibay. Ang badminton ay isang laro na  madaling matutunan at masayang laro kahit sa mga bata.
 
    OCTOBER - MARTIAL ARTS

Ang Martial Arts ay hindi lamang tungkol sa pagdepensa sa sarili. Ang pagsasanay sa karate, Tae Kwon Do, kung fu at iba pang istilo nito ay nakapagpapabuti sa pangkalahatang lakas ng katawan  habang nagsasanay sa mabisang paggamit ng lakas ng kalamnan. Pinabubuti rin nito na mapalakas ang pangangatawan, flexibility at koordinasyon sa malaking saklaw ng paggalaw ng katawan. Ang Martial arts ay nakapagpapabuti rin  na maisaayos ang  pokus at pagsasanay sa  pamamahala ng emosyon.
 
    NOVEMBER - HIKING

Kahit sino ay maaring magsuot ng pares ng sapatos kasama ang ilang kagamitang pang-akyat at magsimulang maglakad  sa malawak na kahuyan at makalanghap ng sariwang hangin. Ang hiking ay isang mabisang paglalakad at itinuturing na isa sa pinakamagandang paraan ng pageehersisyo.  Dahil hindi ito nangangailangan ng isang naiibang kasanayan, ang aktibidad na ito ay angkop sa  anumang edad at  antas ng kalakasan.
 
    DECEMBER - ULTIMATE FRISBEE

Sa larong Frisbee ang tanging kailangan lamang ay Frisbee disc at magandang lugar kung saan may kalayaan na tumakbo kahit saan. Ang pagtakbo ang pinaka importanteng elemento sa larong ito sapagkat upang maging isang malakas na manlalaro dapat ay maging mabilis at listo sa bawat sandali. Sa pagsasanay nito, ang balikat at binti ay hinuhubog at nakatutulong rin na mapabuti  ang sirkulasyon ng dugo.

   < - back    

hit counter
Website Visitors